Добро пожаловать
Вход

KILALANIN ANG MGA ANAK NI PILITA CORRALES

Спасибо! Поделитесь с друзьями!

URL

Вам не понравилось видео. Спасибо за то что поделились своим мнением!

Sorry, only registred users can create playlists.
URL


Добавлено by Admin В Знакомства
14 Просмотры

Описание

KILALANIN ANG MGA ANAK NI PILITA CORRALES

Si Pilar Garrido Corrales o mas kilala natin bilang si Pilita Corrales ay isa sa mga magaling na Filipina pop singer, songwriter, isang batikang aktres, magaling na komedyante at television presenter.
Tinagurian siyang Asia’s Queen of Songs. Nakilala si Pilita dahil sa kanyang rendition ng kantang Kapantay ay Langit na ito rin ang kanyang naging signature song.

Isinilang si Pilita sa Cebu noong August 22, 1939. Siya ngayon ay malapit nang mga 82 taong gulang sa darating na Agosto. Kapatid niya si Annie Corrales na naging Miss Philippines noong 1975.

Dalawa ang naging anak ni Pilita Corrales sa dalawang lalaking kanyang minahal. Narito’t kilalanin natin sila.
1. Jackielou Blanco
Isang kilalang artista si Jackilou. Siya ang dating asawa ng sikat ring aktor at director na si Ricky Davao. Si Jackilou at Ricky ay may tatlong anak na sina Kenneth, Rikkie Mae at Arabella.
Si Jackielou ay anak ni Pilita sa dating asawang si Gonzalo Blanco na pumanaw noong 1981. Isinilang si jackielou ni Pilita noong February 11, 1964.
Sa ngayon ay aktibo si Jackielou sa pagiging actress at aerobic instructor.

2. Ramon Christopher Gutierrez
Nagkaroon ng maikling panahon ng pagmamahalan sina Pilita Corrales at ang sikat na aktor na si Eddie Gutierrez mula 1968 hanggang 1971. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay naging anak nila ang sikat ding aktor na si Ramon Christopher. Si Ramon Christopher ay ang ama ng sikat na aktres na si Janine Gutierrez.
Si Lotlot de Leon ang naging asawa ni Ramon Christopher. Ikinasal sila noong March 27, 1989 at nagkaroon sila ng apat na anak. Tatlong babae at isang lalaki ngunit nagkahiwalay din sila.
May isa pang adopted son si Pilita Corrales na si VJ.
Noong May 22, 2001 ay nagpakasal muli si Pilita Corrales sa isang Australian businessman na si Carlos Lopez.

Написать комментарий

Комментарии

Комментариев нет. Будьте первым кто оставит комментарий.
RSS